ANESSA Alam kong hindi pa man tuluyang sumisikat ang araw ay bumangon na si Bart. At akong inaantok pa ay hindi ko na siya pinigilan pa. Bilang CEO ng isang malaking kumpanya, alam kong malaking tungkulin rin ang ginagampanan niya. Hindi lang ako ang buhay niya, malinaw na malinaw ‘yon, kahit noon pa—noong hindi niya pa ako mahal. Ngayon, bilang magiging asawa niya… ulit, ay nandito lang ako palagi sa likuran niya, handang sumuporta. Napangiti ako nang saktong bumangon ako ay bumukas din ang pinto at pumasok ang mahal ko. “Good morning, my love…” ngiti niyang sabi. “Good morning din sa’yo, mahal ko…” Mas lumapad pa ang ngiti niyang umupo sa tabi ko, at dinampian ako ng halik sa noo sabay haplos sa tiyan ko. “Sige na, tumayo ka na, kanina pa nakahanda ang pagkain…” Umiling-iling ako. “Hindi pa ako gutom…” Pinahaba ko ang nguso kong yumakap sa kanya, at inamoy ang kili-kili niya. “Ang bango mo, mahal…” Inamoy ko rin ang leeg niya. Nakikiliting hinawakan niya ang magkabila kong
Last Updated : 2025-11-25 Read more