“Bart!”Hindi ko alam kung alin ang mas masakit, ang pagbagsak ko sa sahig o ang bigat ng katawan niyang dumagan sa akin. Ang laking tao nga niya. Parang nadurog lahat ng buto ko.“Aray…”Inangat ko ang ulo ko at tiningnan siya. Nakalapat ang mukha niya sa dibdib ko. Hindi siya gumalaw.“Bart, tumayo ka…” Hinawakan ko ang pisngi niya, bahagya kong niyugyog. Pero wala pa ring galaw.“Bart, ano ba?” pilit kong itinulak ang balikat niya. “Hindi ka nakakatuwa! Ang bigat mo!” Muli ko siyang tiningnan. Tinulak siya, pero wala pa ring response. Kumabog na ang dibdib ko. Mukhang hindi siya nagbibiro, hindi nagkukunwari, talagang nahimatay siya.Pinilit kong gumalaw, dahan-dahan siyang tinulak sa tabi ko, at nang makawala, agad akong tumayo. Kinuha ko ang cellphone ko at tumawag sa hospital. “Please, send an ambulance, dito sa DB Construction.”Pagkababa ng tawag, umupo ako sa tabi niya. Inangat ang ulo niya, pinaunan sa hita ko. “Bart…” Hinaplos ko ang noo niya, pisngi, at dibdib. Mas lumala
Last Updated : 2025-10-23 Read more