BARTKanina pa ako nakatitig sa puting kisame nitong ospital. Umalis na si Anessa, pero ramdam ko pa rin ang titig niya. Hindi ko makakalimutan ang ekspresyon niya na para bang napatawad na niya ako, ayaw lang aminin. Napangiti ako. Sana nga… Kahit hindi pa man niya akong magawang mahalin muli, kung mapatawad niya lang ako, sapat na.“Boss Bart… ang saya mo ah,” sabi ni Gabriel, may mapang-asar na ngiti. “Napatawad ka na ba?” “Ewan…” Bumuga ako ng hangin, tumitig sa kanya. “Sana…” “Mabait si Anessa, boss. At saka, mahal ka naman no’n dati. Tiyaga lang sa panunuyo, matutunaw din ang yelo sa puso no’n.” “’Yon na nga eh… noon niya lang ako mahal. Ngayon, hindi na.” “So, suko ka na?” “Hindi ko alam. Ang alam ko lang, kapag napatawad niya ako, masaya na ako.”Lumapit si Gabriel at tinitigan ako bago inabot ang noo ko. “Anong ginagawa mo?” Tinampal ko ang kamay niya. “Check ko lang kung ikaw pa ba ‘tong kausap ko. Baka multo na, kasi biglang bait.” “Sira-ulo.” Napatawa siya, umupo
Huling Na-update : 2025-10-26 Magbasa pa