Dorryn's Point of ViewTodo smile lang ako habang magkahawak kamay kaming dalawa ni Nando sa reception hall. Kumikinang ang malalaking chandelier sa kisame habang bumabagsak ang mainit na ilaw nito sa buong paligid. Para bang isang panaginip ang lahat ng nangyayari ngayon.Ang daming taong nakapaligid sa amin.Mga negosyante, politicians, pamilya, kaibigan, at mga taong matagal nang bahagi ng empire. Isa isa silang lumalapit upang batiin kami sa kasal namin ni Nando.“Congratulations, emperor and empress.”“Bagay na bagay kayo sa isa’t isa.”“Napakaganda mo, empress.”Paulit ulit kong naririnig ang mga salitang iyon ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na kasal na talaga ako.Kasal na kami ni Nando.Pakiramdam ko ay unti unti pa ring pinoproseso ng puso ko ang lahat.Ngunit habang tumatagal ay nararamdaman kong sumasakit na ang paa ko dahil sa walang tigil na pagtayo at paglalakad. Mabigat rin ang suot kong gown at heels kaya palihim akong napahawak sa paa ko.Napan
Ler mais