3rd Person's Point of View Hinanap nila si Dorryn nang palihim, halos hindi humihinga ang bawat isa sa kaba habang paikot-ikot ang kanilang mga mata sa bawat sulok ng engrandeng mansyon. Ang mga ilaw na nakasabit sa kisame ay kumikislap na parang mga bituin, ngunit sa kabila ng liwanag na iyon ay may aninong bumabalot sa kanilang mga dibdib. Nawawala si Dorryn, at hindi iyon basta-basta pangyayari sa mundong kanilang ginagalawan. Ngunit habang tumatagal, napilitan silang itago ang kanilang pag-aalala. Unti-unti nang nagsisimula ang engrandeng selebrasyon. Isa-isang dumating ang mga panauhin, bawat isa ay tila naglalakad na parang mga hari at reyna sa sarili nilang kaharian. Ang kanilang mga kasuotan ay kumikislap sa ilalim ng ilaw, mamahalin at marangya, sinadyang ipakita ang kapangyarihan at impluwensya na kanilang tinataglay. May mga ngiti sa kanilang mga labi, ngunit sa likod nito ay may nakatagong panganib. Hindi ito simpleng pagtitipon. Makikita sa bawat mukha ang mga taong
Ler mais