POV: China Ang hangin ng umagang iyon sa Batanes ay parang may dalang lihim — malamig, ngunit may init na gumigising sa puso. Pagmulat ko, unang bumungad sa akin si Gavriy. Nakaupo siya sa veranda, nakatingin sa malawak na dagat, hawak ang kape, tahimik, parang may pinaplano. “Hey,” mahina kong bati, sabay kusot ng mata. Napalingon siya, ngumiti, at tumayo agad para lapitan ako. “Good morning, sleepyhead.” “Anong oras na?” “Past seven. Ang tagal mong natulog. I almost thought pagod ka pa sa kahapon.” Napangiti ako, sabay sabing, “Hindi naman. Siguro sobra lang akong nag enjoy kahapon.” Huminga siya ng malalim, saka tumingin sa akin na para bang sinusukat ang bawat emosyon sa mukha ko. “Nag enjoy ka ba talaga, Chin?” Tumigil ako, tinitigan siya. “Oo naman. Bakit mo tinatanong?” Ngumiti siya, pero may kung anong lungkot sa ngiti niya. “Wala lang. Minsan kasi, kahit masaya ka, may mga mata na hindi marunong magsinungaling.” Napakunot ang noo ko. “Anong ibig mong sabihin?” Umili
Last Updated : 2025-10-06 Read more