“Hindi totoo ‘yan, ‘di ba?”Diretso ang tanong ko, walang paligoy, walang paunang lambing—parang kutsilyong itinapat ko sa sarili kong dibdib habang hawak ang phone na puno ng notifications. Pangalan ko. Apelyido ng pamilya ko. Headlines na parang hinugot sa bangungot.Tahimik ang kabilang linya.“Gideon?” ulit ko, nanginginig na ang boses ko ngayon. “Sabihin mo lang na hindi totoo.”“Asan ka?” tanong niya, mababa, seryoso—yung tono na ginagamit niya kapag may papasabugin siyang boardroom.“Sumagot ka muna,” giit ko. “Totoo ba na—”“Asan ka, Lyka.”Napapikit ako. “Sa labas ng dorm. Sa may gate.”“Huwag kang aalis.”Nag-click ang linya.Hindi ko alam kung gaano katagal akong nakatayo roon, pero pakiramdam ko oras. Ang mga mata ng tao dumadaan, ang bulungan nagsisimula na—ramdam ko kahit walang salitang binibitawan. Sa mundong ginagalawan niya, mabilis ang apoy. At sa mundong kinalalagyan ko, ako ang madaling masunog.Lumapit si Kara, kaklase ko. “Lyks… okay ka lang?”Ngumiti ako—reflex
Last Updated : 2026-01-14 Read more