POV: Gabriel Dalawang gabi na mula nang mahuli natin si Paolo at binaligtad ang laro. Dalawang gabi na rin akong halos walang tulog—hindi dahil sa takot, kundi dahil sa pag-iisip ng tamang oras para umatake. Ang bawat tunog ng orasan, bawat ihip ng hangin, parang paalala na mabilis ang oras at hindi pwedeng makaligtaan ang kahit isang hakbang.Si China, sa kabilang kwarto, nagbabantay kay Gideon habang nag-aayos ng mga gamit. Halata sa mga mata niya ang pagod, pero wala ni isang reklamo. Alam kong nasasaktan siya tuwing nakikita niya akong ginagapos ng digmaan na ‘to.Hindi ako pwedeng pumalya, bulong ko sa sarili habang pinipisil ang cellphone.Sa private safehouse namin sa gilid ng Tagaytay, nagtipon ang core team ko: si Marcus, Elena, at tatlong trusted operatives. Nakalatag ang blueprint ng Villareal properties sa mesa—mga warehouse, mga bahay, at ang kanilang private compound.“Boss,” sim
Terakhir Diperbarui : 2025-09-21 Baca selengkapnya