Gabriel 's POV Tahimik ang loob ng mobile command van na nakaparada ilang metro mula sa apartment building. Pero sa loob ko, hindi matahimik ang lahat. Parang may nag-aalab na apoy—galit, guilt, at isang matinding pangako na hindi ko sila pababayaan. Nakaupo ako sa swivel chair, nakatutok sa anim na monitors na nagpapakita ng bawat sulok ng apartment. Sa isang screen, nakikita ko si China habang inaayos ang mga laruan ng ni Gideon. Sa isa pa, ang anak namin, masayang naglalaro ng building blocks na parang walang kaalam-alam sa mga banta ng mundo. Humigpit ang hawak ko sa headset. “Status report,” mahinang bulong ko sa comms. “Clear sa perimeter, sir. Wala pang suspicious movement,” sagot ng isa sa mga tauhan ko. Tumango ako kahit hindi nila makita. “Stay sharp. Ayokong may makalusot.” Pero habang tinititigan ko ang screen kung saan si China, hindi ko mapigilang kausapin ang sarili ko. “God, China… if only you knew. Kung alam mo lang na every breath you take, binabantayan ko.” H
Huling Na-update : 2025-08-26 Magbasa pa