China’s POV Tahimik ang buong gabi, pero sa loob ng mansion, bawat segundo ay parang may kasabay na paghugos ng dugo sa aking dibdib. Sa labas, ramdam ko ang pagbabantay ng mga tauhan ni Gabriel—matitikas, armado at alerto. Pero kahit gaano sila karami, hindi nito mabura ang katotohanan na may pwersang mas malaki, mas madilim, ang humahabol sa kanya ngayon. Nakatayo ako sa may terrace ng silid, nakatingin sa madilim na hardin. Parang bawat anino, bawat kaluskos ng dahon ay may banta. Nang maramdaman ko ang presensya niya sa likod ko, bumigat ang dibdib ko. “Hindi ka ba makatulog?” mahina niyang tanong. Tumalikod ako at nakita siyang nakatayo roon, naka-unbutton ang puting polo, nakalugay ang ilang hibla ng buhok niya sa noo, pagod pero matatag. “Paano ako makakatulog,” sagot ko, halos pabulong. “Alam kong may mga taong gustong wasakin ka. Hindi lang empire mo, Gabriel… ikaw mismo.” Lumapit siya, mabagal, parang ayaw akong gulatin. Nakatitig lang siya sa akin, ang mga mata niyang
Terakhir Diperbarui : 2025-09-01 Baca selengkapnya