(Chna’s POV) Mabigat ang talukap ng mga mata ko nang dahan-dahan akong magmulat. Puting kisame, malamig na hangin mula sa aircon, at amoy ng disinfectant ang unang sumalubong sa akin. Naramdaman ko rin ang banayad na kirot sa gilid ng ulo ko, saka ko lang napansin ang bendahe roon. “Mommy!” Isang munting tinig ang pumunit sa katahimikan, at bago ko pa siya makita, naramdaman ko na ang maliit na bisig na yumakap sa akin. Pinilit kong ngumiti kahit ramdam ko ang bigat ng katawan ko. “Hey, baby…” mahina kong sagot, hinahaplos ang buhok niya. Pero kasabay ng yakap niya, may isa pang presensya akong naramdaman—isang presensyang matagal ko nang iniiwasan, pero hinding-hindi ko malilimutan. Gabriel. Nakaupo siya sa gilid ng kama, nakamasid sa amin, parang hindi makapaniwala na nandito pa ako. Ang mga mata niya… puno ng emosyon na ayaw kong basahin. “Kamusta ang pakiramdam mo?” tanong niya, mababa at may halong pag-aalalang hindi niya kayang itago. Pinili kong hindi agad sumagot. Tinit
Huling Na-update : 2025-08-22 Magbasa pa