CHAPTER #9 SIENNA’s POV Nagsimula nang magtayuan ang lahat. Ang mga matatanda, abala sa pag-sha-shake hands at pag-uusap tungkol sa business habang palabas ng restaurant. Ang mga apo naman nila, nakangiti pa rin sa akin. May ilan pang nagpaalam ng, “Nice meeting you, Dra. Diaz,” bago tuluyang umalis. “Dra. Diaz, we’re very happy to finally meet you. We’re expecting more gatherings like this,” sabi ni Adrian na kanina pa nakatingin sa akin as if he’s observing every move I make. “Thank you. The pleasure is mine,” sagot ko, pilit pa ring mahinahon ang tono kahit pakiramdam ko ay pagod na pagod na ang buong sistema ko. Ako? Nakaupo lang sandali, parang naubusan ng lakas. Para akong sumalang sa isang exam na hindi ko alam kung pasado ako o bagsak. My smile felt frozen the whole evening, naka-maskara lang. “Good job, iha.” Lolo lumapit at tinapik ang balikat ko, proud na proud. “You handled yourself well. Lolo, always proud of you.” Ngumiti ako ng mahina. “Thank you, Lolo.”
Last Updated : 2026-02-02 Read more