Chapter #05
SIENNA POV Pagod na pagod ako. Twelve-hour shift. Dalawang pedia case. Isang hindi natuloy na lunch break. At isang maliit na batang pasyente na halos hindi na humihinga nung dinala sa ER. Tapos biglang may text si Lolo. “Sien, padaan si Dorian d’yan. May naiwan raw siyang files sa Lolo niya, baka pwede mo na rin ibigay. Pakisuyo na lang.” Seriously? I thought we were done for the week. Isa lang dapat ‘yung fake date, diba? Bakit parang may plot twist na hindi ko napirmahan? Nasa pedia nurse station ako, kalalabas lang ng isang case, when I felt someone’s presence behind me. “Busy ka?” Paglingon ko, andun siya. Suot pa rin ang usual niyang neutral-tone na damit. Clean. Composed. At oddly… out of place sa hospital setting. “Medyo?” sagot ko, pinipilit maging civil. “Akala ko may schedule lang tayo pag kailangan.” He raised an envelope. “Files daw. Lolo errands.” Hinablot ko ‘yon nang may ngiti. Plastic nga lang. “Next time, pwede mong i-book sa courier.” “Wow. Noted.” Tahimik. Akala ko aalis na siya. Pero napansin ko ‘yung paningin niya nakatutok sa glass wall kung saan kita ‘yung pedia wing. “Is that your patient?” tanong niya. Tumingin ako. Si Jamie. Eight years old. May leukemia. Mahilig sa astronaut stickers. Kanina lang umiiyak dahil wala ang Mama niya. “Yeah,” I nodded. “One of the many reasons I don’t get enough sleep.” Hindi ko alam kung bakit ko ‘yon sinabi. Maybe because pagod ako. Or maybe… gusto ko lang siyang ma-awkward. At umalis na siya. Ayaw ko siyang makita. Naiinis ako at lalong nararamdaman ko ang pagod. Pero hindi siya umalis. Hindi rin siya nag-comment. Tumango lang siya, then spoke so quietly I almost missed it. “My mom died in a hospital like this. I was ten.” Bigla akong napahinto. Nawala ang sarcasm sa dila ko. “Oh.” He looked at Jamie again. “It smells the same. Cold. Stiff. But people like you make it feel… safer.” Bago pa ako makasagot, tumakbo ang isang nurse. “Dra. Sien! Room 209, desat po si Jamie! Vitals dropping!” Automatic ang katawan ko. Takbo. Command. Oxygen. Orders. But as I passed Dorian, I saw his face. Parang may tension sa mata niya. Not panic, pero hindi rin detached. He stood frozen for a second, then quietly stepped aside. Hinayaan akong gawin ang trabaho ko. Five minutes later, lumabas ako. Stable na si Jamie. For now. At andun pa rin si Dorian. Nakaupo sa bench. Hindi umaalis. Hinintay ba niya ako? Wow naman kung ganun. “Okay na siya,” sabi ko habang lumalapit. “Nothing new. Just one of the usual scares.” He nodded. Then, he stood up. Nagtagpo ang paningin namin. And something in his eyes softened just a bit. “Hindi biro ang ginagawa mo,” bulong niya. “I thought CEOs had pressure. But this... what you do… it’s different.” I swallowed hard. Hindi ko alam kung dahil sa pagod o sa paraan ng pagkakasabi niya, pero may kung anong nagbago sa loob ko. Hindi ko siya sinagot. Hindi rin niya ‘ko pinilit. Naglakad siya paalis, pero bago tuluyang mawala sa hallway, lumingon siya sandali at nagsabi. “Next time… I’ll bring coffee.” At iniwan niya akong nakatayo ro’n, pagod, confused, and maybe… just maybe… Starting to care. Insane! “Sino ‘yon?” Napalingon ako kung sinong nagtanong. “CEO,” tipid kung sagot kay Zola. Friend ko since med student pa kami. But, rival ko rin. “Really! CEO or…” “None of your business, Zol.” Sagot ko at tinalikuran siya. “New,” aniya kaya tumigil ako at lumingon. “Ano naman sa'yo? Magpakasal na kayo ni Castiel, para hindi ka na mag isip ng ibang bagay.” Paalala ko saka matipid na ngumiti bago ko siya tuluyang tinalikuran. She's my rival. First to Endri, and… Until now dito sa hospital. Siya ang pinakamagaling sa lahat but, ewan kung bakit interested siya sa buhay ko. Dumiretso na ako sa parking area. Wala na akong shift dahil sa twelve hours shift. Sumobra pa. Pagdating ko sa condo, dumiretso na ako sa kwarto. Ewan pero, grabe ang pagod ko. Dumagdag pa ang Dorian na ‘yon. Hinubad ko ang damit ko at dumiretso sa bathroom. Pagkatapos kung maligo nagbihis na ako at pasadong tumunong ang cellphone ko. Bumuntong-hininga ako nang mabasa ko ang message ni Lolo. “On the way na,” reply ko. Pagdating ko sa restaurant, naramdaman ko agad na may mali. Dorian was already there. Dressed in a white button-down shirt, sleeves rolled, looking like he just walked out of an ad campaign for effortless wealth. Again. Kanina lang nagkita kami. At ngayon kaharap ko na naman siya. Kailangan ko nalang bang masanay dahil kung mag asawa na kami. Wala ng araw na hindi ko siya makita. “What’s this?” tanong ko, approaching his table. “Akala ko Lolo ko lang ‘to?” “Same,” he muttered, then nodded toward the private dining area. “Apparently, this was planned.” Napatingin ako. At ayun nga sila, Lolo ko, at Lolo niya, nagche-cheers sa wine, parang nagseselebra ng engagement. O sa kasal. Great. Another setup. Gusto talaga nila. Nakakatuwa dahil nakikita ko ang tuwa sa mga ngiti ni Lolo, pero nakakainis din. “Ah, nandito na kayo!” sabi ni Lolo, tuwang-tuwa. “Come, sit down, Sien.” I forced a smile and took the seat beside Dorian, careful to keep distance between our elbows. Conversation started light about businesses, family, future plans. All the usual. Pero maya-maya lang, lumapit ang isang babaeng waiter. Medyo matanda, mukhang tagaroon talaga. Pagkakita sa akin, napahinto siya. “Dra. Sien?” tanong niya, medyo gulat. “Ikaw nga ba ‘to?” Napalingon ang lahat sa mesa. Including Dorian. Ngumiti ako ng konti. “Yes po.” “Yung doktor na dumadalaw kay Endri? Anak ng pinsan ko ‘yung ka-roommate n’ya. Lagi raw n’yong dinadalaw. Talaga namang ang swerte niya sa gandang doctor na gaya mo.” Biglang sumikip ang dibdib ko. I felt Dorian shift slightly beside me. Ngumiti ako. “Yes. Ako po ‘yon.” The woman smiled kindly and excused herself. Tahimik. Napatingin ako kay Lolo. Hindi siya nagsalita pero alam kong may narinig siya. Kahit papaano, palagay ko, alam niya ‘yung kasaysayan ko. Pero si Dorian? Hindi nagsalita. At ‘yon ang mas nakakabingi. After the meal, lumabas kami ni Dorian habang nakasunod lang ‘yung dalawang Lolo, may konting distansya. “Endri,” he finally said, his tone not cold… just cautious. “Man?” I nodded. “Yes.” “Your patient? or something” I paused. Then nodded again. “Boyfriend mo?” tanong niya. “Yeah. Coma. Post-accident. Walang certainty kung kailan o kung magigising pa siya.” Tahimik. Wala namang kailangan i-deny. Then he spoke again, voice low. “So you’re still waiting.” I didn’t answer. Because the silence was the answer. “I’m not here to compete,” he added. “You don’t owe me anything.” Napatingin ako sa kanya. And for the first time… I didn’t see the CEO. I saw a man trying to understand a woman who never left someone behind. “You’re right,” I whispered. “I don’t owe you anything.” But even as I said it… A part of me wished I didn’t feel guilty about that. Bakit ko pa 'yon sinabi? Hindi ko inisip. Magiging asawa ko na pala siya.CHAPTER #6 SIENNA POV "Charity gala. Formal attire. Plus one mandatory." That was the message. From Lolo. And guess who my plus one was? I stared at my reflection. Champagne-colored silk. A soft slit on the side. Hair pulled up, with a few strands loose to soften my face. I looked… elegant. Like someone who belonged to Dorian’s world. Even if I never really did. Dumating siya sa pickup location not in his usual SUV, but in a sleek black car that probably costs more than my entire medical school tuition. He stepped out in a tailored black suit. Clean. Crisp. Lethal. Pagbukas niya ng pinto, nagkatitigan kami. Hindi ko alam kung bakit ako natigilan. Maybe it was the way he looked at me not with awe, not with charm… Just attention. "Okay ka lang?" tanong niya, casual. Tumango ako. "Let's get this over with." The ballroom was glowing in soft lights. Crystal chandeliers. Golden table settings. Photographers. Socialites. CEOs. Political names. And us. "Smile," he whispered haba
Chapter #05SIENNA POVPagod na pagod ako. Twelve-hour shift. Dalawang pedia case. Isang hindi natuloy na lunch break. At isang maliit na batang pasyente na halos hindi na humihinga nung dinala sa ER.Tapos biglang may text si Lolo.“Sien, padaan si Dorian d’yan. May naiwan raw siyang files sa Lolo niya, baka pwede mo na rin ibigay. Pakisuyo na lang.”Seriously?I thought we were done for the week. Isa lang dapat ‘yung fake date, diba? Bakit parang may plot twist na hindi ko napirmahan?Nasa pedia nurse station ako, kalalabas lang ng isang case, when I felt someone’s presence behind me.“Busy ka?”Paglingon ko, andun siya. Suot pa rin ang usual niyang neutral-tone na damit. Clean. Composed. At oddly… out of place sa hospital setting.“Medyo?” sagot ko, pinipilit maging civil. “Akala ko may schedule lang tayo pag kailangan.”He raised an envelope. “Files daw. Lolo errands.”Hinablot ko ‘yon nang may ngiti. Plastic nga lang. “Next time, pwede mong i-book sa courier.”“Wow. Noted.”Tahim
Chapter #04PLAYING ALONG.SIENNA POV“Be at Café Le Monte. 4PM sharp.”That was the text from Dorian. No emojis. No greetings. Walang kahit anong effort.“Busy ako,” reply ko agad kahit hindi naman. Routine ko ang lahat kaya para sa'kin trabaho, responsible, profession na matagal kung pinaghirapang makuha. ‘Yun lang.“I'm busy too. Or maybe you want… kailangan kitang puntahan d'yan.”Napasinghap ako at luminga-linga sa gilid.Parang binubuhay niya ang inis ko. Ano bang problema niya? Kung busy siya… ba’t pa siya makipagkita sa akin.“Puntahan kita d'yan?” message niya ulit dahil wala akong reply.“KAYA KO NAMAN!”Kung hindi ko alam ang context, iisipin mong may business pitch akong pupuntahan hindi fake date.Nasa harap ako ng salamin, nakasuot ng neutral-colored dress na hindi masyadong effort pero hindi rin mukhang wala akong pake. Simple makeup. Loose curls. Just enough to look convincingly interested.Pero habang nagda-drive ako papunta sa café, hindi mawala sa utak ko.Ano bang
Chapter #03SIENNA POVA quiet Italian restaurant.“Dinner lang.” Yun ang usapan namin. No pressure. No expectations.Pero habang binabaybay ko ang daan pa-restaurant, bakit parang hindi lang basta dinner ang pakiramdam? Siguro dahil matagal ko ng iniwasan ang ganitong dinner. Kahit mga kaibigan lang. Wala na akong oras.Pagdating ko, nandoon na siya. Naka-black turtleneck. Mas relaxed ang ayos. Pero elegant pa rin. Too elegant for someone na ayaw daw sa arranged marriage. Compatible kami.Tumayo siya agad nung nakita ako. Akala mo formal meeting, pero may softness sa mata niya.“Right on time,” he said.“You sound surprised.”“I am. Most doctors I know are late.”“Most CEOs I know cancel last minute.”Napangiti siya. “Touché.”The restaurant was quiet. Dim lights. Warm wood interiors. Walang masyadong tao. The kind of place na pinipili ng mga taong ayaw mapansin.He ordered red wine. I asked for water. Ayaw kung uminom. Matagal na no'ng huli.“So,” he started, swirling his glass. “Le
Chapter #02SIENNA POVThree days later.12:47 A.M. – East Crest Medical Center, Emergency RoomBlood. Noise. Monitors. Calls for "O2 stat" echoing across the walls.Gabi na, pero parang di natutulog ang ER.I had just finished stitching a little boy’s forehead when the automatic glass doors burst open. May mga nurse agad na sumalubong."Code yellow incoming! Multiple patients, vehicular accident along South Bay!" sigaw ni Nurse Jessa.I took off my gloves, quickly grabbed a new pair, and fixed my coat. I was already walking toward the trauma bay when__"Doc Sien!" tawag ni Jessa, catching up. "May naghahanap po sa inyo.""Huh? Sinong__""Si Mr. Dorian Valencia po. CEO ng__"I froze."Anong ginagawa niya dito?"But I didn’t wait for an answer. I rushed to where she pointed, and there he was standing by the wall, sleeves rolled up, hair messy, a small cut on his right temple.But he wasn’t the one bleeding.My eyes followed his arm… he was holding a man, older, limp, duguan.“Lolo…” he
Chapter #01SIENNA POVPilit ang bawat hakbang ko. Nakasuot ako ng best Sunday dress ko, pero parang may pabigat sa dibdib ko habang papalapit ako sa private dining room ng Villa Valencia."Lolo, sigurado ka ba dito?" tanong ko habang hawak ang malamig kong mga palad."Just meet him, Sien. Walang pilitan. Pero pag nakilala mo, baka magbago ang isip mo," sagot ni Lolo habang binubuksan ang pinto.At ayun siya. Siya na kaya? Obviously. Nakita ko na ang picture niya. But first time now sa personal.Gusto ko nalang matawa. No'ng nakita ko ang picture niya inisip ko baka filter lang 'yon but... hindi pala. Judgemental naman masyado ang utak ko.Nakatayo. Suot ang itim na long sleeves, formal pero relaxed ang postura. Gwapo, oo. Malinis tingnan. CEO nga raw, sabi ni Lolo. Pero ang unang pumasok sa isip ko?'Mukha siyang hindi marunong ngumiti.'"Sien, this is Dorian Aldrich Valencia," ani ni Lolo, proud na proud. "Dorian, apo ko. Dra. Sienna Apple Diaz."Tumango siya. Walang ngiti. Walang p