“Talaga?” Ngumisi si Ava ng nakakaloko. Ako naman ay hindi mapakali, parang alam ko na kung saan patungo ang sasabihin nito. “Bagay kayo ni Lovely, Vale. Isang manloloko at isang user. Oo maaga akong naka-move on at nakalimutan sa ating relasyon, hindi ko itatanggi iyon. Pero alam mo kung bakit? Kasi hindi mahirap mahalin ang asawa ko, marami siyang katangian na wala sayo. Kaya wag kang pa-victim, kung may biktima man ay ako iyon dahil tumagal pa ng tatlong taon bago lumabas ang totoo mong kulay. Nagpakatotoo lang ako, hindi ako kagaya ng pinsan ko na kung kani-kanino lang pumapatol at kumakabet para lang matustusan ang luho!” “Tumahimik ka!” Singhal ni tita, akmang sasampalin nito si Ava ngunit kinuha ni Ava ang cake na naroon at hinampas sa mukha nito. Lahat kami ay nagulantang sa nagulat. “Hindi kayo karespe-respeto iyan ang dapat sa inyo!” “Mama!” “Tita!” “Walang hiya ka!” Hiyaw ni Lovely. “Sige subukan mong saktan ako, kapag may nangyari sa anak ko ay si Elijah ang ma
Zuletzt aktualisiert : 2025-10-01 Mehr lesen