(Ava pov) Naiiling na tiningnan ko ang aking asawa. Nang malaman namin at pormal ng sabihin sa amin nila Annaliza at Din na nagkaayos na sila ay binalita agad nito ang magandang balita. Hindi pa tapos magpropose si Din ay nag imbita na ito ng mga kaibigan at kamag anak sa muling pag iisang dibdib ng dalawa. Nagtataka tuloy na tumawag ang anak namin upang tanungin kami kung sino ang nagkalat ng balita. “Ikaw talaga. Hinintay mo dapat na manggaling sa anak mo ang balita.” Suway ko kay Elijah na malaki ang ngiti sa labi habang buhat si Dessy. “Sorry, sweetheart, sa sobrang tuwa ko ay hindi ko na napigilan ang sarili ko,” sabi niya, “Di’ba, apo? Happy ka rin kagaya ni lolo?” Tumango si Dessy sa kanya. “Dinamay mo pa ang apo natin, ikaw talaga,” nakangiti kong ani. Akala namin ay wala ng pag asa na magkaayos ang mag asawa, nawalan na kami ng pag asa, lalo na’t nagalit pa si Annaliza sa daddy niya. Ito kasing si Elijah ay nanghimasok pala ng hindi ko alam. Mabuti na lamang maganda a
Read more