“Sweetheart, nangako ako sayo na sasamahan kita sa tuwing check up mo, kaunting sakripisyo lang ito kumpara sa sakripisyo mong dalhin ang anak ko. Saka gusto kong marinig mismo ang sasabihin ng doktor, I want to make sure na healthy kayo ni baby.” Lumamlam ang matang niyakap ako nito. “Ang sweet talaga ng asawa ko. Thank you, mahal. Akala ko nakalimutan mo na ang pangako mo.” “Tsk. Never gonna happen, sweetheart. Pagdating sa inyo ng anak natin, never akong makakalimot. Come on, maghanda na tayo, mayamaya na ang appointment mo.” Sabay kaming naligo, para mapadali ay ako na ang nagpaligo dito. Mahina nitong pinapalo ang kamay ko sa tuwing gumagapang ito. Humalakhak ako. “Isa!” “Sorry, sweetheart. Na-dedemonyo ang palad ko sa tuwing hawak ang katawan mo. Kasalanan mo ito dahil masyado kang maganda.” “Hmp! Ewan ko sayo. Ang sabihin mo mahilig ka lang talaga!” Naalala ko noong unang buwan ng pagsasama namin, ihi lang ang pahinga nito sa akin. Madampi lang kasi ang balat
Last Updated : 2025-09-29 Read more