Kumunot ang aking noo ng hawakan niya ang aking kamay upang akayin palabas. “Come on, may kailangan tayong puntahan.” “Ha? At saan naman?” Nagtataka kong tanong rito. Para itong nababahala at nagmamadali. “May tao akong nais kausapin. Ayokong makausap ang taong iyon ngunit kailangan kong harapin siya upang malaman ang katotohanan.” “Pero si Amber kasi ay walang makakasama mamaya.“ “Sige na, ate. Sumama ka na sa asawa mo, wag mo ako alalahanin dahil kasama ko naman si Lorena.” Ani naman ni Amber sa amin. Hindi na ako nakatanggi at sumama. Mukhang mahalaga ang tao na nais makausap ni Elijah. Habang lulan ng kotse ay nakatanggap ito ng tawag na agad naman nitong sinagot. “Sino siya, mahal? Kilala ko ba siya?” Tumango siya. “Yes, it was Vale.” “Ano? Pero ano ang kailangan niya?” Galit kong tanong. Pero naalala ko ang nabalitaan ko. Natakot ako at sinabi ko ang narinig kong balita sa kanya. “Patay na si Vale, mahal. Baka prank call lang ‘yan. O-o baka multo ‘yan.” Tu
Zuletzt aktualisiert : 2025-10-04 Mehr lesen