Bahagyang natulala si Alexander sa tanong nito. “Pagod ka lang, Sweetheart! Magpahinga ka na,” sagot ni Alexander sabay talikod. Napabuntong-hininga si Iris nang marinig niya ang paglapat ng pinto. Napatingala siya, pinipigilan ang pag-iyak. “Hindi ka dapat laging ganito, Iris. Hindi ka na mag-isa ngayon… may anak kang dapat protektahan at unahin kaysa sa lahat. Diyos ko, tulungan N’yo po ako,” bulong niya bago tuluyang makatulog. Samantala… Sa kabilang dako, nakatayo malapit sa mansyon si Michael Agoncillo, hawak ang kamera na pag-aari ni Charles Ivan Delgado—ang biological father ni Iris na matagal nang palaisipan kung patay ba o buhay. Bahagya siyang napalingon sa dalawang dalagang dadaan sa tapat niya. “Grabe ’no, Marie, ang dami ng views ni Madam. Kailan kaya niya sasabihin kay Ma’am Iris?” tanong ni Mira kay Marie, na abala naman sa pagpindot sa cellphone habang ka-chat si Cris, ang nobyo nito. “Huy, ano ka ba naman, Marie! Puro ka cellphone! Pag ako talaga nagka-boyfrie
Última atualização : 2025-10-24 Ler mais