Saktong alas-sais ng umaga nang tumunog ang alarm clock ni Alexander. Bahagya siyang napangiti nang maalala si Iris. Noon, kusa siyang bumabangon para magluto — para pag-gising ni Iris, okay na ang lahat. Pero simula noong gabing umalis ito, parang ayaw na niyang magising. Na para bang wala nang silbi ang bawat umaga. Pero kahit gano’n, pinipilit pa rin niyang bumangon — para sa kanyang ina. Paglabas niya ng kwarto, nadatnan niyang gising na si Doña Conchita. Nakaupo ito sa kusina, may hawak na tasa ng tsaa, habang nakatingin sa labas ng bintana. May ngiti sa labi, pero halatang malalim ang iniisip. “Anak,” mahinahon nitong wika nang mapansin siya. “Balita ko… umuwi na raw si Iris?” Napahinto si Alexander at napatingin sa ina. “Opo, Mom,” mahina niyang sagot, sabay upo sa tapat nito. “Pero... ibang-iba na po siya ngayon, Mommy.” “Baka pwede mo naman siyang papuntahin dito, anak. Please?” may bahid ng pagmamakaawa sa tinig ng ina. “Gusto ko lang siyang makausap… kahit sandali.”
Última atualização : 2025-10-30 Ler mais