Madilim na ang paligid, saktong alas-siyete na ng gabi. Nasa loob pa rin ng kwarto si Iris, nakaupo siya sa gilid ng bintana habang pinagmamasdan ang kalangitan. Madilim, walang buwan at bituin. Kumikidlat mula sa malayo at bahagyang kumukulog. “Ma’am Iris, kakain na daw po!” tawag sa kanya ni Marie na nakasilip sa loob ng kwarto. Tango lang ang sinagot niya. Habang pababa ng hagdan, naririnig niya sa sala ang malakas na tawanan nina Brigitte at Doña Conchita. “Anak, nakatulog ka ba? Hindi ka na kasi lumabas pagkatapos natin sa garden kanina,” may pag-aalala sa tinig ng ginang. Tipid namang ngumiti si Iris. “Opo,” pagsisinungaling ni Iris. “O siya, halika na’t kumain na tayo!” Tahimik silang kumakain, nang biglang natigilan ang Doña. “Iris, si Alex? Anong oras uuwi? Balak ko kasing ipahatid sa kanya pauwi si Brigitte, at wala pala siyang dalang sasakyan.” Bahagyang natigilan si Iris. “Wala pa po siyang reply sa akin,” tipid na sagot niya. “Ah, may meeting kasi si Alex, Tita,
Última atualização : 2025-10-18 Ler mais