Kinagabihan, nakaupo si Iris sa kama habang nag-iimpake ng mga damit niya. Tahimik ang buong silid, tanging mahinang tunog ng hangin mula sa aircon ang maririnig. “Sweetheart, please kausapin mo naman ako,” sabi ni Alexander mula sa pintuan, nakasandal sa hamba. “Ano bang nangyayari sa ’yo? Hormones imbalance pa rin ba ’to?” Bahagyang natawa nang mapait si Iris. “Alex, buntis lang ako — pero hindi ako tanga.” Napaawang ang labi ni Alexander, halatang hindi inasahan ang sagot. “Iris, ano bang sinasabi mo? Hindi na ’ko natutuwa! Alam mong bumagyo, ’di ba? Kung nakalimutan ko man ang birthday mo, ’yon ay dahil sa dami ng obligations ko.” Tumango si Iris, mabagal, parang pinipigil ang luha. “Obligations?” bulong niya, saka nag-angat ng tingin. Tinitigan niya si Alexander nang matagal, parang sinusuri kung may katotohanan pa ang bawat salitang lumalabas sa bibig nito. “Kaya ba nakalimutan mo na rin na may partner ka at magiging daddy ka na?” Bahagyang natigilan si Alexander. “A–anon
Última atualização : 2025-10-24 Ler mais