Habang naglalakad sa pamilihan, tila nagbabalik ang alaala ni Doña Conchita. Noong siya’y dalaga pa, dito siya lumaki at nagkaisip. Ngunit nang kinailangan niyang mag-aral ay napadpad siya sa Maynila at doon na nanirahan.“Marami na rin palang nagbago dito,” manghang sabi niya.“Bakit, madam? Dito ka ba nakatira dati?” tanong ni Mira.“Oo. Pero nang mapangasawa ko ang ama ni Alexander, hindi na niya ako hinayaang bumalik dito. Wala na rin kasi akong uuwian,” sagot niya habang napapabuntong-hininga.“Ang galing nga po eh, buo pa rin ang bahay ninyo.”“Ay oo naman, may katiwala naman ako dito.”“Siguro marami kang manliligaw dito noong kabataan mo, madam!” kinikilig na biro ni Marie.Napatawa si Doña Conchita. “Ay sus! Mamalengke na nga tayo. Baka magising na ‘yung mag-asawa.”Ngunit habang namimili, hindi siya mapalagay. Parang may mga matang nakamasid sa kanila. Paulit-ulit siyang lumilinga. Sinubukan niyang iwasan, kung saan-saan sila dumaan bago umuwi.Pagdating sa bahay, pagpasok n
Terakhir Diperbarui : 2025-08-17 Baca selengkapnya