Sa katahimikan ng gabi, nakahiga si Alexander sa kama ngunit walang kapayapaan ang kanyang isip. Ilang araw na ang lumipas mula nang mawala si Iris, at sa bawat minutong lumilipas, unti-unti na siyang nawawalan ng pag-asa. Paulit-ulit niyang iniisip ang huling sandaling nakita niya ito—ang mga mata, ang boses, ang ngiti. Ngayon, puro alaala na lang ang natitira.Napapikit siya, ngunit imbes na pahinga, muli siyang dinalaw ng panaginip.Isang makipot na daan, madilim. Hanggang sa unti-unti niyang nakita si Iris, tumatakbo, hingal na hingal. Nadadapa man, pilit pa ring tumatayo.“Iris!” sigaw niya, pilit inaabot ang kamay nito. Ngunit habang lumalapit siya, parang mas lalong lumalayo si Iris.Habang sinisikap nilang maabot ang kamay ng isa’t isa, isang putok ng baril ang umalingawngaw. Tumama ang bala kay Iris. Napahinto ito, bumagsak sa lupa. Natigilan si Alexander habang ang dugo nito ay kumakalat sa semento.“NOOO!” Napabalikwas ng bangon si Alexander, pawis na pawis at humihingal. R
Terakhir Diperbarui : 2025-09-12 Baca selengkapnya