Napasalampak si Brigitte sa sahig ng lobby ng ospital, nanginginig habang nakatitig sa malaking TV screen. Hindi siya makapaniwala sa sinapit ng kanyang ama.Parang gumuho ang mundo niya. Ang boses ng reporter ay nagiging alingawngaw lang sa tenga niya.“Papa! Please, tell me this isn’t happening…” bulong niya, nangingilid ang luha hanggang sa tuluyan siyang napaiyak.Lumapit si Doña Conchita para alalayan siyang tumayo, pero agad niya itong itinulak.“Tita, ikaw ba ang nagsampa ng kaso kay Papa?!”“Hija, hindi naman makukulong ang ama mo kung wala siyang kasalanan,” malumanay na sagot ni Doña Conchita.“But Tita, my father is innocent!”“I can’t believe na magagawa mo ’to kay Papa! Pagkatapos ng lahat ng ginawa ko para sa pamilya n’yo!”“Hija, calm down…”“Calm down? Paano ako kakalma, Tita? Nandito ako sa ospital, todo alaga sa anak n’yo, tapos makikita ko nakaposas ang ama ko, dahil kinasuhan n’yo!”Lahat ng mahawakan ni Brigitte, pinagbabato niya. Nagwala siya sa galit. Nangingini
Terakhir Diperbarui : 2025-08-28 Baca selengkapnya