Hindi mapakali si Iris. Paulit-ulit siyang naglalakad sa labas ng silid ni Alexander, tila binabantayan kung may nangyayari sa loob. Pabalik-balik ang kanyang mga hakbang, at sa bawat segundo, parang sinasakal siya ng sariling imahinasyon.“Ano kung… may ginagawa na sila?”“Ano kung… mahal niya talaga si Brigitte?”“Hindi naman kayo totoong kasal ni Alexander, nagpapanggap lang kayo.”“Wala kang karapatan, Iris.”Napapikit siya, pilit itinataboy ang mga naiisip, ngunit lalo lang siyang nasasaktan. Sa guest room, hindi siya mapakali. Gumulong siya sa kama, muling bumangon. Sa huli, nagpasya siyang uminom muna ng tubig, baka sakaling kumalma.Pagdating niya sa kusina, muntik na niyang mabitawan ang baso nang makita si Alexander roon. Wala itong pang-itaas, basang-basa ng pawis, parang kakatapos lang ng mabigat na gawain.Nanlaki ang mga mata ni Iris.“Anong… ginawa niyo ni Brigitte?” mahina ngunit puno ng bigat ang tinig niya.Nag-angat ng tingin si Alexander, bahagyang nagulat. “Ha?”N
“Ginulat mo naman ako,” bulong ni Brigitte kay Gabriel, pilit na ngumingiti. “Huwag ka nang masyadong mag-isip. Tara na.” Bago siya sumakay, saglit pang lumingon si Brigitte sa kalsadang kanina’y may nakahintong sasakyan. Pakiramdam niya’y may matang nakatitig sa kanya. Ngunit wala na ito roon. Tahimik nilang binabaybay ang daan, ramdam ni Brigitte ang mga mata ni Gabriel sa kanya. “Gusto mo bang dumaan muna kung saan? O may gusto kang puntahan?” tanong nito. Umiling si Brigitte, tila ubos ang lakas. “Sa bahay na lang… gusto ko lang mapahinga.” Pagdating sa bahay niya, nagpaalam na si Gabriel. May duty pa siya sa ospital. Niyakap siya nito nang mahigpit at hinalikan sa noo, para bang sinasabing magiging ayos ang lahat. Hindi na siya kumibo, hinatid na lang ng tingin si Gabriel palabas. Nang makapasok ito sa sasakyan, ibinaba pa nito ang side mirror at kumaway. Pagkaalis niya, naupo si Brigitte sa sofa. Parang lumulubog ang katawan niya, habang ang isip ay ayaw tumigil sa pag-i
“Pwede ba, tigilan mo na ‘ko!” gigil na sigaw ni Brigitte habang mahigpit ang hawak sa cellphone. Narinig niya ang mababang tawa ng lalaki sa kabilang linya. “Ang sungit mo naman, darling. Para namang hindi ka nage-enjoy sa ’kin. Dalawin mo naman ako sa condo ko… or else! Malalaman ng lahat ang sekreto mo.” Napakagat-labi si Brigitte, nanginginig sa galit. “Fuck you!” mura niya, sabay end call. Humigpit ang hawak niya sa cellphone, para bang gusto niya itong basagin. Naupo siya at muling nagsindi ng sigarilyo. Lumabas si Gabriel, nakakunot ang noo. “Kanina ka pa dito, hindi ka ba nilalamok diyan?” Umiling lang si Brigitte, patuloy sa paghithit ng sigarilyo. “Sino ‘yung kausap mo?” tanong ni Gabriel. “Wala… spam call lang,” sagot ni Brigitte, pilit pinatatag ang boses. Umupo si Gabriel sa tabi niya, kinuha ang sigarilyo sa bibig ni Brigitte at hinithit. Bahagyang natawa si Brigitte, pilit binawi ang sigarilyo. “Balik na tayo sa loob,” utos niya. Bumalik sila sa loob. Naupo
Mabilis na kumalat sa mga balita ang trahedya sa presinto. "Breaking news! Congressman Rodriguez, nagtangkang tumakas kaninang hapon matapos magwala sa loob ng kulungan.Ayon sa ulat, hinostage pa nito ang sariling anak na si Brigitte. Sa gitna ng tensyon, isang putok ng baril ang umalingawngaw na agad tumapos sa kanyang buhay. Sa ngayon, iniimbestigahan kung kaninong baril nanggaling ang bala—mula ba sa mga pulis, o may ibang taong nasa paligid ng presinto?" Paulit-ulit na umaalingawngaw ang boses ng news anchor sa mga TV sa kanto, sa mga cellphone ng mga tao, at maging sa radyo ng mga tricycle. Mainit na usapin ang nangyari. Hindi makapaniwala ang publiko na ang isang makapangyarihang tao ay makukulong at babawian ng buhay sa ganoong sitwasyon. “Grabe, parang pelikula ‘yon ah.”“Wala palang ligtas—kahit politiko. Mayaman o mahirap, pag oras mo na, oras mo na talaga.”“Sa tingin niyo, totoo kayang patay na si congressman? Baka hindi siya ‘yon?”Sunod-sunod ang usapan ng mga tao.
Nakatitig si Alexander sa cellphone na nagri-ring sa ibabaw ng mesa. Nanginginig ang kanyang kamay habang dahan-dahang dinampot ito. “Brigitte…” mahina niyang sambit bago pindutin ang green button. Napatigil siya sandali, pigil-hininga. “Honey, nasaan ka? Kamusta ka na?… Na-miss na kita.” May pag-aalala sa tinig ni Alexander. Sa labas ng silid, papasok na sana si Iris upang kausapin siya. Ngunit nang marinig na may kausap si Alexander, natigilan siya. Nakatayo lang siya sa gilid ng pinto, nakikinig—habang unti-unting sumisikip ang dibdib niya. Pinili niyang umalis muna kaysa pakinggan pa ito. Mula sa kabilang linya, malamig at garalgal ang tinig ni Brigitte. “Kung gusto mo pa akong makita, Alex… iurong niyo muna ang kaso laban kay Papa.” Nanlaki ang mata ni Alexander. “Brigitte, ano’ng pinagsasabi mo? Bakit naman namin kakasuhan ang Papa mo? Honey, please… gusto na kitang makita. Magpakita ka naman sa akin.” “Sorry, Alexander! Pero hindi kita mahaharap hangga’t hindi naaabsuw
Naiwan si Iris sa loob ng silid. Tahimik. Hindi inaalis ni Alexander ang tingin sa kanya.“Tatawag ba ako ng doktor?” may pag-aalala sa tinig ni Iris.Umiling lang si Alexander.“May gusto ka bang sabihin?” tanong ni Iris, saka siya nag-iwas ng tingin.“Tapatin mo nga ako… sino ka ba sa buhay ko? At ano—ano ba talaga tayo?” malamig na tugon ni Alexander.Napalunok si Iris. Hindi niya alam kung paano uumpisahan. Hindi rin niya kayang sabihin ang totoo dahil baka hindi ito maniwala. At baka, sa halip na makatulong, lumala pa ang kondisyon nito.“Alexander…” mahinang sambit niya. “Noong magkamalay ka, at nawala ako sa alaala mo… gustong-gusto kong ipaalala sa ’yo kung sino ako, at kung gaano mo ko pinoprotektahan at minahal.”Napakunot ang noo ni Alexander.“Minahal? Anong ibig mong sabihin?”Umiling lang si Iris, pinunasan ang luha sa pisngi.“Forget it. Hindi na mahalaga.”Pero hindi mapakali si Alexander. Hinaplos niya ang mukha ni Iris.“Hindi. Mahalagang malaman ko. Sino ka ba sa bu