"IHAHATID na kita... saan ka ba umuuwi, Elisa?" Umiling ako. "Hindi na po, sir." Ayokong malaman niya kung saan ako nakatira. "On that way din naman ako doon. Sa mansyon ka nina Adrian nakatira, di ba?" Nanlamig ang mga daliri ko. Hindi ko inaasahang alam niya. Lalong hindi ko inaasahang babanggitin niya iyon nang gano’n kadali, parang wala lang. “Hindi ko po alam kung ano’ng sinasabi niyo,” maingat kong sagot, pilit pinananatiling kalmado ang boses ko. “At kahit saan man po ako umuuwi, kaya ko na po.” Tumaas ang isang kilay niya, bahagyang ngumiti—’yong ngiting matagal ko nang kinamumuhian. Hindi masaya. Hindi rin galit. Alam niyang tama siya. “Relax,” sabi niya. “I’m not prying. Concern lang.” “Concern is not part of the job description, sir,” diretso kong sagot bago ko pa mapigilan ang sarili ko. Saglit siyang natahimik. Kita ko ang pag-igting ng panga niya, pero hindi siya nagtaas ng boses. Sa halip, humugot siya ng malalim na hininga. “Fine,” sabi niya. “But it’s late. A
Dernière mise à jour : 2026-01-26 Read More