SIMULA noong nagkaroon ng matinding sagutan at alitan sa pagitan nina Lego at Calvin, tila naglaho na parang bula ang presensya ng una. Hindi na ako kinausap ni Lego. Ni minsan ay hindi na niya ako pinuntahan o kinausap man lang upang makapaglinaw o makapag-usap kami. Sa kabila ng aking pagkalito at matinding damdamin, patuloy pa rin akong naghihintay sa kanya. Umaasa akong darating siya, kakausapin ako, at makakapag-usap pa kami nang maayos. Ngunit lumipas ang mga araw, linggo, at buwan—wala pa rin. Ang dati niyang walang sawang pagpapakita ng kalinga at pagmamahal ay napalitan ng lubos na katahimikan at pag-iwas. Sa bawat araw na lumilipas, unti-unti kong naramdaman ang kawalan. Ngunit sa kabilang dako, doon lalong lumapit at naging matiyaga si Calvin. Araw-araw siyang pumupunta, inaalagaan kami ni Calis, at ipinakita sa akin ang kanyang taos-pusong pagsisisi. Isang hapon, habang kasama ko si Calis at si Mama sa ospital. Kanina pa ako pinagmamasdan ni Mama. Nakita ko sa kanyang m
Read more