PARANG namatanda si Elisa sa kanyang pagkakatulala. Nabigla rin siya. Napanganga pa ng malaki ang bibig niya. "Itikom mo nga muna ang bibig mo, Elisa," sabi ko na natatawa. Nahimasmasan si Elisa at napatikom ng bibig. "Bakit kasi nakakagulat 'yan? Ang bilis-bilis naman..." "Iyon ang desisyon ng mga nakakatanda at sang-ayon ako roon. Mas maganda na bago umuwi sa Pilipinas ay kasal na sina Giselle at Adrian," sabi pa ni Mama. "Pero, tita, wala pong preparation. Sa simbahan po ba? May wedding gowns at abay... ngayon lang sana ako magiging maid of honor. Mapupurnada pa po," himutok ng kaibigan ko. Natawa na lamang ako sa sinabi ni Elisa. Kahit kailan talaga ang kaibigan ko. "Elisa, ikakasal pa rin sila na kagaya ng gusto mo. Pero ngayon, hindi ko alam kung anong plano nila na kasal nina Giselle. Hayaan natin ang daddy at Lolo ni Adrian, ang magdesisyon," giit ni Mama. Tumikhim si Elisa at napabuntong-hininga. “So ibig sabihin… push talaga?” sabay tingin sa akin na para bang humihin
آخر تحديث : 2026-01-05 اقرأ المزيد