BIHIS na bihis na ako. Naka-white polo at black mini skirt ang suot ko. Napatingin ako sa salamin, sinuyod ko ng tingin ang kabuuan ko. Napangiti ako. Handang-handa na ako para sa interview ko. Naglagay pa ako ng kaunting final touch sa labi ko. "Ayan, maganda ka na, Elisa..." bulalas ko sabay kindat sa salamin. Kinuha ko na ang folder ko at sling bag ko na cellphone lang ang laman. Lumabas na ako ng kuwarto ko at dumiretso sa ibaba. Napansin ko ang mag-ina sa sala. Nilapitan ko si Giselle. "Ninang, good morning po," masayang bati ni Adie sa akin. Nilapitan pa ako at hinalikan sa pisngi. "Good morning, inaanak. Ang ganda naman ni Adie ko." Ngumiti si Giselle nang mapansin niya ang bihis ko, mula ulo hanggang paa ay sinuri niya ako bago bahagyang tumango. “Interview?” tanong niya, may halong lambing ang boses. “Opo, Ninang,” sagot ko. “Wish me luck.” “Hindi mo kailangan ng swerte,” sabi niya sabay ayos sa laylayan ng palda ko. “Kaya mo ’yan. At saka, mukhang sigurado ka na
Dernière mise à jour : 2026-01-22 Read More