ANASTASIA Kulang na lang ay mabaliw na ako ngayon. Mukha na sigurong tanga ang itsura ko, dahil sa pagkakalito sa mga nangyayari at sinasabi ng lalaking 'to. Nakatunganga pa rin ako magmula nang sabihin niya ang mga sinabi niya kanina. Hawak ko ang air soft na baril na hindi ko namamalayang nilalagyan ko na rin pala ng bala. Nang bigla kong mabitawan ang nilalagay ko ay saka pa ako bumalik sa huwisyo. Agad akong tumikhim atsaka bumaling sa ibang direksyon para magisip.“Ask me anything, I will answer,” aniya. Bumilis ang tibok ng puso ko, this time, ay hindi na dahil sa takot, kundi dahil na nakakaramdam na ako ng pagasa. Pumihit ulit ako paharap jay Leviathan. Tumitig ako sa mga mata niya, this time, nakikita ko na ang emosyon. Hinahayaan niya akong makita ang totoong nararamdaman niya ngayon. At mukhang seryoso nga siya sa sinabi niyang tatakas kami sa sitwasyon na 'to. “Paano—” “Shhh!” pagpigil niya bigla sa sasabihin ko. Agad din naman akong nanahimik. Naging alerto siya, at
최신 업데이트 : 2026-01-08 더 보기