ANASTASIA “Tasia... sorry.” Napalingon ako kay Valya nang bigla siyang lumapit sa akin atsaka bumulong. Kakaupo ko lang sa upuan, kakain na kasi kami dahil luto na ang liempo na iniihaw nung dalawa kanina. Nakaupo na rin si Val sa tabi ko. Natatawang tinignan ko lang naman siya, habang siya naman ay nakanguso. “Ano ka ba Val, ayos lang 'yon! Concern ka lang naman sa akin, at takot ka—kaya huwag kang magalala, tama lang ang ginawa mo ay naa-appreciate ko 'yon lalo na't ramdam na ramdam ko na mahal mo talaga ako.” Tumango-tango si Valya habang nakanguso pa rin. “Sobra! Oh God, hindi ko kakayanin kung may mangyaring masama sa'yo, Tasia. At mas lalong hindi kakayanin nitong isa diyan! Jusko, baka magpakamatay 'yan kapag nauna ka pa sa kaniya.“ Naghe-hesterikal na saad niya kaya natawa ako habang pinapakinggan siya. Nakangising umupo si Kirill sa tapat ko. “She's not that weak, Val. Patay na sana siya ngayon kung mahinang klase ng babae lang siya. Knowing how hellish was our first
Last Updated : 2025-10-28 Read more