ANASTASIA Wala na akong takas, kahit anong gawin at isipin ko'y siguradong alam talaga ni Kirill na gising ako at aware ako sa ginagawa niya sa akin ngayon. “Great! Napaka-galing mo talagang umarte, self!” sermon ko pa sa sarili ko. Dahan-dahan ko nang minulat ang mga mata ko. Nakatingin pa rin ako sa pader na natatanaw ko dahil nga napilig naman sa gilid ang ulo ko kahit na nakadapa ako. As usual, magpapatalo ba ang isang Anastasia sa lalaking 'to? Of course not! Hindi ako papayag na makitaan niya ako ng kahit konting hiya sa katawan ko. Lalo na't hindi dapat ako ang mahiya, kundi siya. “Hindi ko rin alam na hindi ka lang pala manyak? Mukhang hayop ka rin, napakatalas ng pakiramdam mo,” ani ko gamit ang isang seryosong boses. Narinig kong tumawa si Kirill, ngunit isang tawa na mararamdaman mong natutuwa talaga siya ngayon. “Hindi mo talaga ako binigo sa mga surpresa mo, Tasia,” panimula niya. “But I guess, nagustuhan mo ang ‘pananantsing’ ko sa katawan mo?” pilyo niya pang
Last Updated : 2025-08-17 Read more