ANASTASIA “How old are you, Tasia?” tanong sa akin ni Valya. Matapos lumabas ng shop, ay agad na kaming dumeretso sa sasakyan niyang halatang mamahalin. Nakaupo ako ngayon sa passenger seat, habang siya naman ang nagda-drive ng kotse. At ngayon, ay sunod-sunod ang mga katanungan niya sa akin. Sumagot naman ako. “Oh, I'm twenty-eight years old.”“Really?” mangha niyang sabi. “That will make you a perfect match for Kira pala! He's twenty-eight too,” natutuwa niyang sabi.Tumawa rin naman ako. Pero tawa na hindi pure na totoo. Hindi ko kasi alam kung ano ang gagawin ko kapag nalaman ni Valya ang totoo. Na wala naman talagang ‘love’ na namamagitan sa amin ng kapatid niya. At pawang pagpapanggap lang ang mayroon, alang-alang sa mga goal na gusto naming gawin. Nagi-guilty ako, 'yan ang nararamdaman ko ngayon. “This is the first time that I saw him smile purely,” panimula ni Valya kaya napunta na ulit sa kaniya ang atensyon ko. “You see, Kirill is the type of man who loves to wear a ma
Last Updated : 2025-08-21 Read more