Jasmine Elizabeth Valiente’s Point of View“Kuya,” saad ko nang makababa ako sa sasakyan.Kararating ko lang sa school, at si Helios mismo ang naghatid sa akin. Ang hindi ko lang inaasahan ay si kuya na nakasunod pala sa amin.Kabababa niya lang sa kaniyang sasakyan, at kagaya ni Helios ay nakasuot lang din siya ng business attire.Mukhang pareho silang pupunta sa trabaho, pero pinili pa rin akong ihatid para lang masiguro na maayos, at ligtas ako.Napakurap ako, at hindi maiwasang maging emosyonal. Sa kabila kasi ng nangyari sa kanilang dalawa, nagawa nilang ayusin. Na kahit hindi man sila gaanong okay, at mukhang pormal lang sila, alam ko sa sarili ko na kahit papaano ay nagagawa pa rin nilang buksan ang kanilang puso.Nang mapasulyap si kuya kay Helios, tumango ito. Parang sa ganoong paraan nila binabati ang isa’t isa.Nang isara ni Helios ang pinto ng kaniyang sasakyan, lumapat ang kaniyang kamay sa aking baywang, at bahagyang hinapit ako papalapit sa kaniya.“Just checking you eve
Last Updated : 2025-12-24 Read more