Jasmine Elizabeth Valiente’s Point of ViewHabang hawak ang straw ng aking iced coffee, nagbabasa ako ng lesson. Halos isang oras na akong nandito sa library, at tahimik na nagbabasa. Kung minsan ay napasusulyap ako sa cellphone ko, dahil may natatanggap akong message galing kay Helios. Nagre-reply naman ako kung tutuusin, pero dahil alam kong nasa meeting siya, siyempre ay hindi ko siya ginugulo. Nasisita ko pa nga siya, dahil puro siya message. Eh, kung tutuusin naman ay mas mahalaga naman talaga ang meeting kaysa sa akin. Hindi naman kasi ako clingy na girlfriend, dahil valid naman ang kaniyang pinagkaaabalahan. Isa pa, alam naman niyang nag-aaral ako, at nakabantay naman sa akin si Darius. Wala naman dapat siyang ikabahala kung t
Last Updated : 2025-11-29 Read more