Jasmine Elizabeth Valiente’s Point of ViewHindi nagsalita si kuya. Umiling lamang siya, at umigting ang kaniyang panga, dahil biglang sumingit si Mommy sa usapan namin ni kuya.Nang dahil sa naging usapan namin, mas lalo kong naiintindihan kung bakit kumukulo ang kaniyang dugo. Kung dahil nga naman ‘to sa nangyari noon, siguro ay oras na talaga para tapusin ang topic na ‘yon, hindi ba?Ako na mismo ang maglilinaw, at bahala na sila kung maniniwala sila sa akin.“You know, I do understand why you loathe him so much, but have you asked him why he couldn’t save you that day? Why can’t you contact him?” I asked, looking straight into his eyes.Napasinghap si Mommy sa kaniyang narinig, pero hindi ko ‘yon pinansin, dahil mas mahalaga sa akin ngayon ay ang linawin ang lahat ng nangyari. Kung bakit hindi magawa ni Helios na tuparin ang nangyari.Umigting ang kaniyang panga, at natawa na lamang nang pagak. Ramdam ko na rin ang tensyon sa pagitan namin, at ang pag-init ng aking batok, habang n
Last Updated : 2025-11-30 Read more