Jasmine Elizabeth Valiente’s Point of View “Puwede naman kasing bumalik ka na lang mamaya,” maliit na boses kong wika, dahil nahihiya talaga ako.Ang daming mga matang nakatingin sa gawi namin ngayon, dahil sa kaniya. Alam ko ring pauulanan na nila ako nang tanong mamaya once na makapasok ako. Pero imbis na alalahanin ‘yon, bakit mas gusto ko pang magtagal dito, at damhin ang atensyon na ibinibigay nila?Iba kasi ang hatid nito sa puso ko. Parang may humahaplos doon na hindi ko maiwasang sulitin ang bawat sandali.Ang sarap pala ng ganito, ano? ‘Yong wala kang pakialam sa kung ano, at ang tanging gusto mo lang ay hayaan ang sarili mong maging masaya kahit sandali lang.Umangat ang kaniyang kilay sa aking sinabi, pero hindi rin naman siya nagsalita. Nanatili lamang siyang nakatitig sa akin, at parang pilit kinakabisado sulok ng aking mukha.Bumuga ako ng hangin, habang si Helios nam
Last Updated : 2025-09-03 Read more