Jasmine Elizabeth Valiente’s Point of ViewBuong klase namin ay masama ang loob ko. Hindi rin ako nakikinig, at hindi na rin ako sumusulyap sa gawi ni Helios kahit na ramdam ko naman ang kaniyang pagtitig sa akin.Nanatili lang akong nakatitig sa libro, at hindi magawang mag-angat ng tingin. Pilit ko ‘tong binabasa kahit na wala akong maintindihan. Pero mas mabuti na rin sigurong ganito, hindi ba? Kaysa ‘yong makita nila akong tulala, o may iniisip.At least sa ganitong paraan ay pagkamamalan nila akong busy sa pag-aaral.“Kanina ka pa tinititigan ng boyfriend mo,” bulong ni Luna sa akin.Hindi ako nagsalita. Siguro ay nararamdaman talaga ni Luna ‘yon, at medyo naiilang. Naiintindihan ko naman, pero ayaw ko siyang lingunin. Naiinis ako.“Hayaan mo lang,” bulong ko.Kaya nang matapos ang klase, hindi ko nilingon si Helios. Kahit pa sinubukan niyang kunin ang gamit ko, hindi ko siya tiningnan.“Luna,” tawag ko sa aking kaibigan nang mapansin kong hindi siya makapag-decide kung kauusapin
Huling Na-update : 2025-09-03 Magbasa pa