Jasmine Elizabeth Valiente’s Point of ViewPagkatigil ng kaniyang sasakyan, kaagad niyang pinatay ang makina nito. Tinanggal din niya kaagad ang kaniyang suot na seatbelt na mabilis ko namang ginaya. Nauna nga lang siyang lumabas ng kaniyang sasakyan, habang ako naman ay inayos pa ang mga gamit sa aking kandungan.Nang marinig ko ang pagbukas ng pinto, mabilis naman akong lumingon sa aking kanan, at napansin na naghihintay na pala si Helios sa akin.Kaya kaagad ko namang inabot ang kaniyang kamay, habang ang isang kamay naman niya ay iniwan ang pinto, at mabilis na ipinatong ‘to sa aking ulo.“Careful,” he whispered.Nang makatayo ako nang maayos, at pumulupot naman ang kaniyang bisig sa aking bewang, tiningala ko siya. “Thank you.”Isinara naman niya ang pinto ng passenger seat, at sinulyapan ako para sabihin ang, “Anything for you.”Naramdaman ko naman ang pag-akyat ng init na nagmula sa aking leeg papunta sa aking mukha. Kaya lumitaw ang ngisi sa kaniyang labi, at marahang binasa a
Last Updated : 2025-09-21 Read more