“Tama na nga ang drama niyong dalawa." Nilingon ni Vida si Mona. “Ano, Miss Mona? Kaya mo bang tuparin ang usapan natin kanina kapalit ng hinihingi mong impormasyon?"“Mama, tumigil ka na nga. Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na wala tayong mapapala sa babaeng ‘yan?" pigil ni Livina.“Ano ka ba, Livina? Bulag ka ba o tànga? Hindi mo ba nakikita kung gaano kalawak ang koneksyon ng Mona na ‘yan? She's talking to an Angelini right now. Ano pa bang pruweba ang nais mo para maniwala kang may maitutulong siya sa ating dalawa?" mahina ngunit may diing sambit ni Vida sa anak.“Mona, halika na. Umalis na tayo rito," aya ni Rafael at agad na inabot ang kamay ni Mona. Nanlaki ang mga mata niya nang biglang binawi ni Mona ang kamay nito sa pagkakahawak niya.“Mauna na kayo ni Drake. Susunod na lang ako," malamig na sambit ni Mona. Ni hindi niya tinapunan ng tingin si Rafael dahil kina Vida at Livina naka focus ang paningin niya."No, Mona. Hindi ako aalis dito kapag hindi kita kasama,” giit n
Huling Na-update : 2026-01-10 Magbasa pa