Upang mabilis na makarating sa learning center kung saan nag-aaral ang kaniyang anak ay tumakbo na si Mona. Hinihingal na siya nang marating niya ang kuwarto ng kaniyang anak. “Ma’am—” pagtawag ni Mona sa guro ni Liana.Nang makita ni Liana ang kaniyang ina ay tumakbo siya at yumakap dito.“Buti naman po at dumating na kayo, Miss Scott…” wika ng guro ni Liana. Halata sa mukha niyang nakahinga na siya nang maluwag dahil sa pagdating ni Mona.“Ano po bang nangyari, ma’am?” tanong ni Mona habang mahigpit ang hawak niya sa kaniyang anak. “Bakit niyo po ako pinatawag?”“Pag-usapan po natin ‘yan maya-maya, Miss Scott.”Samantala, nang mapansin ng ginang na ina ng kaklase ni Liana na dumating na si Mona ay tumayo ito at lumakad palapit habang hila-hila ang kamay ng kaniyang anak. Bakas pa sa mukha niya ang galit. “Hoy, babae! Ikaw ba ang nanay ng batang iyan?” tanong niya sabay turo kay Liana. “Iyang anak mo, may sakit ba ‘yan sa pag-iisip? Hindi tama ang ginawa niya.”“Bakit, ano bang gina
최신 업데이트 : 2025-12-22 더 보기