"Kung hindi mo kami kayang pakinggan, isipin mo man lang sana si Gael. Anak, hindi siya makakatulog hangga't hindi ka umuuwi sa bahay. Ikaw lang ang mayroon siya ngayon. Kung susugod ka ng gan'yan, walang armas, walang malinaw na plano, walang pangalangin, at tanging poot lamang ang iyong dala-dala, sa tingin mo ba ay makakabalik ka ng ligtas sa kaniya? Nauunawaan ko ang nararamdaman mo pero anak, hindi ito ang panahon para sundin mo ang iyong emosyon. Alam mo na kung sino ang ina ni Gael at alam mo na ring may isa pa kayong anak pero anak, isang pader ang binabangga mo at hindi lang siya isang pader—isa siyang mataas, matibay at puno ng pananggalang na pader. Nakikiusap ako, anak. Kumalma ka muna. Walang magandang maidudulot ang pagkilos ng walang sinusunod na blueprint. Alam kong nauunawaan mo ang mga sinasabi ko. Hindi ka naman nag-iisa, anak. Nandito kami ng mga tito mo. Handa ka naming tulungan pero hindi pa sa ngayon. Kulang ang isang araw, isang linggo o baka kahit isang buwan
Last Updated : 2026-01-07 Read more