Nang makaalis si Mona ay siya namang dating ni Yael kasama ang anak nitong si Gael. Sayang dahil nagkasalisi pa ang dalawa.“Lola Rhea, ano pong nangyari sa inyo? Akala ko ay sa airport ko po kayo susunduin. Dito po pala sa ospital,” panimula ni Yael pagpasok nila sa kuwarto ng matanda. Ibinaba na rin niya ang kaniyang anak dahil binuhat niya ito patungo roon. “What happened to you, lola? Nagmadali po kaagad ako papunta rito nang tawagan ako ng staff na narito po kayo.”“Nako, mahabang kuwento, apo. Kung sasabihin ko sa iyo ay baka abutin tayo ng kinabukasan dito saka ayoko na ring alalahanin pa ang nangyari. Hindi maganda ang naging karanasan ko kanina. Baka imbis ma-discharged na ako ay i-confine na naman nila ako.”“Ano po ba kasing nangyari, lola? Is it worse or not? Just tell me.”“Don’t mind it. Let’s just forget it happened.” Ngumiti si Rhea tsaka tinapik ang balikat ni Yael. “Anyway, ito na ba ang apo ko sa iyo?”“Opo, Lola Rhea. Siya nga po ang aking anak.”“Napakaguwapo nama
최신 업데이트 : 2025-12-15 더 보기