Abalang-abala ang buong venue sa huling oras bago magsimula ang launch ng first collection ng Gray Apparel. Ang dating tahimik na hotel ballroom ay napuno ng ilaw, kamera, at mga bisitang pawang kilala sa industriya. Binubuo ito ng mga fashion editors, investors, celebrities, at socialites. Sa backstage naman ay mabilis ngunit kontrolado ang galaw ni Mona. Gusto niya kasing maging perfect ang lahat. “Paki-higpitan ang waistline ng fourth look,” utos niya habang inaayos ang laylayan ng gown ng isang modelo. “Gusto kong maging perpekto ang lahat nang sa ganoon ay maging maganda ang magiging feedback sa kumpanya natin.” “Yes, Miss Scott,” sabay-sabay na sagot ng mga assistants. Kahit halatang pagod na, nanatiling malinaw ang isip ni Mona. Habang pinagmamasdan niya ang paligid, hindi niya maiwasang matuwa. Ito ang pinaghirapan niya—hindi lamang para sa kumpanya, kung hindi para sa sarili niyang dignidad bilang isang designer. Samantala, sa isang pribadong lounge sa loob ng hotel, na
최신 업데이트 : 2025-12-29 더 보기