Nang magkamalay si Livina ay natagpuan niya si Yael na nakaupo sa kaniyang tabi ay agad siyang bumangon at nagpaawa rito. “Andy, ang sakit-sakit ng ilong ko,” dàing ni Livina habang maingat na hinahawakan ang kaniyang ilong. “Ang sabi ni Gael, pinipilit mo raw siyang subuan ng niluto mo. Sa kapipilit mo raw ay nadulas ka at nauntog sa pinto.”“Andy, hindi totoo ‘yan! Itinulak niya ako kaya ako nauntog sa pinto,” naka-pout ang labi na dàing ni Livina. Mabilis din niyang pinatulo ang luha niya upang maging convincing sa paningin ni Yael. “Iyang anak natin, hindi ko na alam ang gagawin diyan. Sinusubukan ko naman ang lahat ng paraan para mapalapit sa kaniya pero talagang mailap siya sa akin.”“Alam mo, Livina, hindi ko nakikitang ginagawa mo ang best mo para mapalapit sa kaniya dahil saka ka lang naman kumikilos kapag sinasabihan kita. Hindi ka marunong magkusa.”Tumungo si Livina. Lalo pa niyang pinatulo ang kaniyang luha upang patuloy na magpaawa kay Yael.“Hindi mo ako madadaan sa g
Last Updated : 2025-12-08 Read more