"Hindi niya inagaw sa akin si Gracia, kusang sumama si Gracia sa kaniya. At alam mo ba kung ano ang ibig sabihin no’n? Mas mahal ni Gracia ang kapatid mo kaysa sa akin. Marahil ay mas maraming taon na kaming pinagsamahan ni Gracia, marami na rin kaming pinagdaanan pero hindi naman palaging basehan ng pagmamahal ang tagal ng pagsasama. You can love someone so dearly yet to your surprise, someone will come into your life that will make you realize that love isn't measured by time. And your brother came into our lives. Unfortunately, my ex-fiancee loves him more…" ani Yael habang nakatingin kay Rafael.“Tigilan mo ako sa lecture tungkol sa walang kwentang pag-ibig na ‘yan, Anderso—" “Hindi ba't mahal na mahal mo rin si Luna? Ginawa mo ang lahat para lang mapaibig mo siya. Una kayong nagkakilala. She's your first love. At sa tagal ng panahon na hinanap ko siya…na nangulila ako sa kaniya, ikaw ang kasa-kasama niya. Pero sa loob ng mahabang panahong magkasama kayo, sinabi na ba niya sa'yon
Read more