Mabilis na tinanggap ni Yael ang white envelope. Tiningnan niya ang mukha ng anak niya. Halatang-halata ang kaba sa mukha nito, gano'n pa man, may kakaibang kinang sa mga mata nito na hindi niya maintindihan kung para saan. Ayaw niya sanang magsayang ng oras para sa DNA test pero wala rin siyang nagawa kung hindi ang pagbigyan ito. After all, his son's happiness is his top priority…always."Excited ka na bang malaman ang resulta, anak? Kabadong-kabado ka ah. Mukhang gusto mo talagang maging bagong mommy si Miss Mona at maging kapatid si Liana.”Tumango si Gael. "Mababait po kasi sila, daddy. At saka, huwarang ina po si Ma’am Mona. Napakaswerte po ni Liana sa kaniya.”"Anak, huwag ka masyadong umasa ha…" Agad na sumimangot si Gael dahil sa sinabi ng daddy niya.“Anak, kung negative man ang maging resulta nito, kailangan mo iyong tanggapin nang buong puso. Ayokong makitang nasasaktan ka. Labis labis na nga ang trauma at sakit na dinanas mo kay Livina. Ayoko nang madagdagan pa iyon. P'w
Last Updated : 2026-01-21 Read more