Walang nasabi si Luna. Napaubo lang siya."Luna, once na ma discharge ako rito, pakakasalan agad kita. I'll announce our engagement publicly. Sorry kung wala ng proposal. Natatakot kasi akong baka mag no ka pa kaya—”"I will never say no, Si—Yael…”Ngumiti si Yael. "Sayang! Akala ko makakahalik ulit ako ng isa eh—-" Namilog ang mga mata niya nang si Luna naman ang humalik sa labi niya. Mabagal iyon, banayad, maingat pero puno ng emosyon. Muli na namang nag-init ang katawan niya. Mukhang kahit nasa hospital sila ay hindi na niya kayang magpigil pa. Huhubarin na sana niya ang suot ni Luna nang pigilan siya nito.“No séx until we get married, Mr. Gray," mapanuksong sambit ni Luna habang nakangiti ng nakakaloko.Sumimangot si Yael pero maya-maya lang ay ngumiti siya at niyakap si Luna. Hinalikan niya ito sa noo. "Napakarami kong nais itanong sa'yo pero sa tingin ko ay hindi na importante ang mga ‘yon. I want us to have a fresh start with the kids…”"Ako rin. Ayoko nang balikan ang nakaraa
Read more