Huminga nang malalim si Luna, inaayos niya ang kaniyang sarili bago magsalita ulit. “Yael…” panimula ni Luna, mahina pero buo, “Hindi ko akalaing darating ang araw na makikilala ko ang taong magpaparamdam sa’kin ng ganitong klaseng pagmamahal. Buong akala ko ay hindi ko na mararanasan ang ganitong klaseng pagmamahal.” Saglit siyang ngumiti, nangingilid pa rin ang luha. “Sa’yo ko natutunang hindi kailangang perpekto ang lahat para maging masaya,” dagdag niya. “Kasi kahit sa simpleng bagay, kahit wala tayong ginagawa… basta’t kasama kita, sapat na.” Mas humigpit ang hawak niya sa kamay ni Yael. “You make me feel seen… heard… and loved,” sabi niya, bahagyang nanginginig ang boses. “Sa mga paraang hindi ko akalaing deserve ko.”Napayuko sandali si Yael, napangiti kahit may luha na rin.“I promise to stand by your side,” tuloy ni Luna, “hindi lang kapag masaya tayo… kung hindi lalo na kapag nahihirapan ka.” Bahagyang lumapit siya, hindi niya binibitiwan ang kamay ni Yael. “I will be your
Read more