“Magkakasya po tayong apat dito!” masayang sabi ni Liana, sabay tapik sa tabi niya.“Hindi tayo kasya diyan,” natatawang sagot ni Gael na nakaupo sa gilid, halatang hindi kumbinsido.“Kasya nga!” sagot ni Liana, parang iyon mismo ang punto niya.Napailing si Yael, pero hindi niya napigilan ang pagngiti. “Sige nga, tingnan natin kung gaano ka kaseryoso.” Sumampa siya sa kama, maingat pero may konting biro sa galaw. Agad siyang napasinghap nang maramdaman ang sikip. “Uy—totoo nga, maliit,” sabi niya, napapailing.Sumunod si Luna, mas dahan-dahan ang kilos. Hawak niya ang gilid ng kama habang umaakyat, iniingatan ang sarili. Napansin iyon ni Yael kaya agad itong umusog para bigyan siya ng konting space.“Dahan-dahan,” mahinang sabi ni Yael.Tumango si Luna, saka naupo muna bago tuluyang humiga sa tabi nila. Sa huli, nagsiksikan silang apat sa iisang kama. Halos hindi na makagalaw nang maayos.“Ang liit,” reklamo ni Gael, pilit niyang inaangat ang braso na naiipit sa ilalim ng kaniyang Da
Read more